Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Jojo Mendrez ‘tinuhog’ 2 Starstruck alumni

MA at PA
ni Rommel Placente

AFTER matsismis kay Mark Herras, nilalagyan naman ngayon ng malisya ang friendship ng Revival King na si Jojo Mendrez kay Rainier Castillo.

Ang chika, mukhang nagkasulutan daw ang magkaibigang Mark at Rainier dahil sa chikang si Rainier naman daw ang umano’y palaging kasama ngayon sa mga lakaran at gimikan ni Jojo.

May mga lumabas na litrato sina Jojo at Rainier, na kuha habang naglalaro sila sa hotel casino, na roon din naispatan ang singer at si Mark.

Aside from this, gumawa rin ng reaction video si Rainier sa kanta ni Jojo na Nandito Lang Ako, na mapapanood sa Facebook page ng Revival King.

Kaya naman mas naloloka ngayon ang fans! 

Sino raw ba talaga kina Mark and Rainier ang apple of the eye ni Jojo? Pinagsasabay daw ba ng singer ang dalawang produkto ng StarStruck?

Para kanino ba raw talaga ang kanta niyang Nandito Lang Ako at Somewhere in My Past, kay Mark ba o kay Rainier?

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement si Jojo at si Rainier. Bukas ang aming pahina sa magiging reaksiyon ng Revival King at ng Kapuso actor hinggil sa isyu about them.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …