Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Mark Alcala

KathNiel, KathDen fans naloka, Kathryn-Mayor Mark may relasyon na raw?

MA at PA
ni Rommel Placente

NALUNGKOT umano ang mga faney ng KathDen sa tsikang huminto na raw sa panliligaw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo

Pero hindi naman ito nakompirma. 

Ang ikinaloka ng netizens at ng mga KathNiel at KathDen faney, ay ang tsikang may relasyon na raw sina Kathryn  at  Lucena Mayor Mark Alcala.

May mga nagki-claim  nga na nakikita nga raw nila si Kathryn sa Lucena at mayroon pang sinasabing spotted sa isang restaurant si Kath kasama ang naturang mayor.

Pero ni isang larawan ay wala namang maipakita. 

At ang tanong ng mga KathNiel at KathDen faney, bakit naman daw si Kathryn pa ang dadayo sa Lucena?

May mga nagdududa naman sa timing ng nasabing tsika, dahil nga mag-eeleksiyon. Baka raw nagagamit si Kathryn  sa politika. 

Sey naman ng mga taga-Lucena, wala naman daw kalaban si Mayor Mark kaya hindi naman nito need na gumimik at manggamit. 

Well, sey ng aming source nanliligaw naman daw talaga si Mayor Mark kay Kathryn, pero hindi pa raw mag-jowa ang dalawa, na gaya nga ng mga lumalabas na balita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …