Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Morisette Amon

Seth at Morisette wagi sa MIFF

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BUKOD tanging si Seth Fedelin (for My Future You) lang ang nanggaling sa 2024 MMFF na nanalo ng acting award (as Best Actor) sa 2nd Manila International Film Festival. 

Ang mga major awardee kasi sa acting categories ay napanalunan ng non-MMFF etries.

Sina Morisette Amon, Rachel Alejandro, at Noel Comia Jr., ang mga nanalong Best Actress, Supporting Actress, at Supporting Actor respectively for Song of the Fireflies na itinanghal ding Best Picture.

Si Crisanto Aquino ng My Future You ang nanalong Best Director, at may special award ang Hello, Love Again na binigyan ng Box-Office Hit award.

Huwag na nating itanong kung ano ang nangyari sa ibang MMFF entries dahil mukhang hindi rin daw naging maganda ang box-office performance ng mga ito sa ating mga kababayan from the USA.

Ay basta kami ay natuwa sa organizers ng festival dahil sa pagbibigay nila ng Lifetime Achievement Award kina Star For All Seasons Vilma Santos, Boots Anson Rodrigo, Ricky Lee, at Mother Lily Monteverde.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …