Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ombudsman kinalampag ng SINAG, graft vs NFA officials pinamamadali

031025 Hataw Frontpage

NANAWAGAN ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kay Ombudsman Samuel Martires na kanilang isapubliko ang mga pangalan ng mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na nahaharap o sinampahan ng mga kasong katiwalian kaugnay ng mga iregularidad sa ahensiya.

“We strongly urge Ombudsman Martires to unveil the identities of the Department of Agriculture (DA) officials, including those at the graft-ridden NFA, both past and present, who have been involved in graft and corruption at the agency, in the interest of public transparency,” ayon kay SINAG President Rosendo So sa isang panayam.

Apela ni So sa Ombudsman, bukod sa pagsasapubliko ng pangalan ay dapat madaliin din ang pagdinig sa mga kasong isinampa na sangkot ang ilang opisyal nito dahil sa iregular na pagbebenta ng NFA rice sa pribadong sektor.

Nagresulta ito ng pagbaba ng presyo na ikinalugi nang milyong piso ng pamahalaan habang nabibigyan ng pabor ang ilang private rice traders.

Iginiit ni So, karapatan ng publiko na malaman ang estado ng kasong inihain laban sa NFA officials na sangkot sa mga iregularidad.

“We are asking the Ombudsman to inform us about the progress of the case against the former NFA administrator and other officials,” giit ni So.

Isa sa tinukoy ni So sa mga kasong katiwalian na isinampa ay ang pagkakasangkot ng 139 empleyado at mga opisyal ng NFA kabilang si dating administrator Roderico Bioco.

Kaugnay ito ng iregular na pagbebenta ng 75,000 bags ng bigas na nakaimbak sa mga bodega ng ahensiya para sa private traders.

Ngunit agad binawi ng Ombudsman ang ipinataw na preventive suspension order laban sa mahigit 100 mga opisyal at empleyado ng NFA kabilang ang 23 warehouse supervisors matapos makakuha ng desisyon, sa kabila nito, sila’y nanatiling respondents sa inihaing administrative case.

Sa ilalim ng Republic Act 11203, kilala sa tawag na Rice Tariffication Law ay inoobliga ang NFA na makapag-procure ng hindi kukulangin sa 300,000 tonelada ng bigas kada taon mula sa local farmers upang mapanatili ang buffer stock na ginagamit sa  pamamahagi tuwing may mga kalamidad at kagipitan o emerhensiya.

Sa inihaing reklamo sa Office of the President noong Pebrero 2024 inakusahan ni NFA Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan si  Bioco at ang iba pang NFA officials na nagbenta ng 75,000 bags ng bigas na may halalagang P93.75 milyon sa G4 Rice Mill San Miguel Corp., at NBK San Pedro Rice Mill nang walang approval ng  NFA Council.

“Bioco sold the NFA’s supposedly ‘deteriorating or aging stocks’ to G4 Rice Mill and NBK San Pedro Rice Mill, despite the rice reportedly being fit for consumption. So, we are inquiring with the Ombudsman about the progress of this case since it involves public interest,” giit ni Pagayunan.

Sa pinakahuling pagdinig ng House committee on agriculture nabunyag na ang buffer stock ay ibenenta sa halagang P25 kada kilo habang ang prevailing market price noong panahong iyon ay P70 kada kilo.

Tinukoy ni Pagayunan, nagpalabas ng isang memorandum noong 2023 na nag-uutos na ang stocks ay dapat i-repackaged nang walang NFA markings bago ibenta bilang commercial rice.

Inakusahan ni Pagayunan si Bioco at si NFA Region 4 Regional Manager Alwin Uy na mayroong direktang pakikipag-ugnayan sa commercial rice traders nang hindi pinayagan ang ibang bidders na maging bahagi ng subasta.

Kaugnay nito, hinihingi ng Pangulo ng SINAG na bigyan sila ng Ombudsman ng update sa mga kasong isinampa laban sa NFA officials mula sa nakalipas na administrasyon na umano’y may kagayang ginagawang ireguralidad.

“There was also another case involving a different administrator who purchased palay and subsequently authorized rice imports. We want to know what has happened with these other cases,” panawagan ni So sa  anti-graft body kasunod ang kahilingang magpalabas ng agarang resolusyon ukol sa kaso.

“The Ombudsman must resolve these cases without delay. If no one is prosecuted before the Sandiganbayan, then those involved in such anomalies will not be deterred. Sanctions or penalties from the Ombudsman would serve as a strong deterrent against corrupt NFA officials. We are urging Ombudsman Martires to take immediate action,” dagdag ni So.

Tinukoy ni Martires, ang istorya ng isang bagong pasok na examiner na matapos tumangging tumanggap ng lagay o bribes ay naging target ng reklamo mula sa kanyang mga kasamahan.

“If you don’t take bribes, you’re not in. If you join an agency known for corruption and refuse to participate, you face two options: resign or risk your life,” aniya.

Aminado ang Ombudsman, ang mga honest employees na nais panatilihin ang magandang imahen at integridad ng pamahalaan ay silang biktima ng  harassment at napupuwersang magbitiw o mas masahol pa ang nararanasan.

“While the Philippines has a comprehensive set of anti-corruption laws—including the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), as well as laws against bribery, falsification, and plunder,” pagtutukoy ni Martires.

Hindi naitago ni Martires ang obserbasyon nang sabihing, ang Department of Agriculture (DA) ay kilalang isa sa mga corrupt na ahensiya at kilala bilang most significant offenders partikular ang NFA na kilalang mayroong kasaysayan ng ireguralidad. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …