Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB Gandanghari kay Robin: I’m not gay

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang latest vlog na in-upload noong Huwebes, March 6, sinabi ni BB Gandanghari na nagkaroon ng pagkakataon sa kanyang buhay na mali ang naging trato sa kanya ng nakababatang kapatid na si Sen. Robin Padilla. Inakala na raw noon ng actor-politician na isa siyang bakla. 

I remember mayroon pa kaming usapan ni Robin. Kasi parang feeling ko, he’s treating me as gay,” pagbabalik tanaw ni BB.

Sabi ko, ‘Tol, puwede ka bang makausap?’ Sabi niya, ‘Ano ‘yon?’ Sabi ko, ‘Kasi may problema, parang you’re treating me as gay. I’m not gay. I’m transgender,’” wika pa ni BB kay Robin.

Tila nga hindi pa naiproseso agad ni Robin ang kanyang kasarian matapos aminin kung ano ang tunay niyang identity.

Sabi niya, ‘Tol, puwede ba? Nandoon pa lang ako sa gay. Ano na naman ‘yang transgender na ‘yan?’”chika pa niya.

Noong mga panahon na ‘yun ay nalungkot daw talaga si BB sa naging reaksiyon ng kapatid.

Sa katunayan, sa kanyang naging panayam sa Fast Talk with Boy Abunda ay ibinahagi niyang babae na ang turing sa kanya ni Binoi.

Si Robin at si Rustom, ay brothers so they treat each other as brothers and then ang pinakamalaking pagkakaiba, tinatrato ni Robin si Rustom as kuya. Ngayon ang relasyon ko kay Robin is brother and sister,” saad pa ni BB.

Nire-recognize niya lahat ng iyon. He’s treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na ‘yung personality, tinatrato niya ‘ko bilang mas batang kapatid,” dagdag pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …