Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Catriona Gray Moira dela Torre

Sam ‘timing’ sa movie ang pagiging emosyonal

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHIT ramdam ng marami ang pagiging emosyonal ni Sam Milby nang makapanayam ito ni Kuya Boy Abunda sa kanyang FastTalk program, hindi pa rin talaga mapipigilan ang netizen sa pagpuna sa “timing” nito.

May movie kasing showing kasama si Sam kaya’t ‘yung anggulong ‘promo’ ay napansin ng marami.

First time rin naming makita si Sam na carried away ng kanyang emotions at sa naging paglalahad niya ng nangyari sa kanila ni Catriona Gray, tunay namang nakapanghihinayang at masakit.

Although wala namang masyadong details na ibinigay tungkol sa hindi nila pagkakatuluyan as engaged couple, nilinaw lang ni Sam ang umano’y involvement ni Moira de la Torre, the alleged third party na walang katotohanan.

Nakakaloka, parang si Moira pa ang na-promote at hindi ‘yung movie. Nasayang lang ang mga luha at iyak ni Sam dahil para sa mga netizen, parang ang tagal nang nangyari ang hiwalayan nila ni Catriona.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …