Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Neri Naig Chito Miranda

Chito kay Neri—napakabait at napaka-hardworking

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPAKA-THANK you Lord na lamang ang vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda matapos  mabasura ng korte ang kasong syndicated estafa laban sa kanyang misis, ang dating aktres na si Neri Naig

Ibinahagi ni Chito ang decision ng Pasay Regional Trial Court sa pagpapawalang sala sa mga kaso ng asawa na may kaugnayan sa isang beauty clinic.

Bukod sa syndicated estafa, nilinis din ang pangalan ni Neri sa paglabag sa Securities Regulation Code.

Sey ni Chito sa kanyang social media post, “Mabuti na lamang alam ni Lord ang buong katotohanan kaya never Niya pinabayaan si Neri.”

Nagpapasalamat din ang singer sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanila.

Sobrang blessed din kami dahil the people who matter knew the truth as well, and did everything they could to help and support her. 

“We are so thankful that she was eventually given the chance to defend herself, and her side of the story,” bahagi pa ng post ng singer.

Pagtatanggol pa niya sa misis, napakabait daw nito at napaka-hardworking.  

Ang problema lang talaga rminsan ay madalas siyang naaabuso at napapahamak.”

Nobyembre ng nakaraang taon nang dinakip ang aktres sa kasong estafa. 

Masuwerteng hindi naman nag-Pasko sa kulungan at nakapag-pyansa at ngayon nga ay nalinis na ang pangalan ni Neri. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …