Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Bryan Dy Antoinette Jadaone Dan Villegas

Hindi pagsali ng Uninvited sa MIFF 2025 desisyon ng Mentorque, Project 8 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ANG mga producer ng Uninvited, ang Mentorque Productions ni Bryan Diamante at Project 8 nina direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone ang nag-decide na hindi talaga sumali sa gaganaping 2025 Manila International Film Festival.

Wala po kasi talagang magre-represent man lang, more so ‘yung mag-aasikaso kaya we decide na huwag na pong sumali,” pahayag ng mga executive na nakausap namin from both the Mentorque and Project 8 movie productions.

Kagagaling lang nina direk Antoinette mula sa Berlin na nanalo ang Sunshine entry nila sa 75th Berlinale Intl. Film Fest. May mga kausap din silang posibleng mga future collaborators/producers na nataon sa dapat na MIFF event after itong ma-reset.

Ang Mentorque head na si Bryan naman as we all know ay ang over-all in-charge rin sa campaign nina star for all seasons nina Vilma Santos, Luis Manzano, at Ryan Christian Recto, pati na ang buong line-up sa political party nina Ate Vi sa Batangas province.

Imposible talaga na mabigyan nila ng sapat na oras ang mag-participate sa 2025 MIFF. 

Iyan lang po ang mga totoong kadahilanan kung bakit wala ang Uninvited movie sa naturang festival.

At dahil si Ate Vi nga ang nagbibida sa movie, siya itong pinagtatampuhan umano ng mga Vilmanianabroad na naka-purchase na raw ng mga ticket bago pa man nai-schedule ang MIFF.

Although may inilabas namang statement ang mga organizer ng MIFF, parang hindi kasi wasto o tama ang ginamit nilang salita na “nag-pull out o pinull-out” ang Uninvited nang dahil sa hindi available si Ate Vi.

Hindi ganoon ‘yun. Ang mga producer ang nag-decide na huwag nang sumali dahil wala ngang mga tao na mag-aasikaso,” dagdag pa ng sources namin.

Pero dahil bibigyan nga nila ng parangal si ate Vi kasama ang iba pang showbiz luminaries come MIFF’sawarding night, napokus nga ang ilang sentiments sa star for all seasons.

Of course I am so grateful and thankful sa Lifetime Achievement award na ibibigay nila. It’s just that ipit na ipit talaga ang sorties schedule namin dito sa Batangas,” sagot sa amin ni ate Vi nang makausap kamakailan. 

Ipinararating din niya ang pagmamahal at pasasalamat sa mga Vilmanian abroad na naghintay ng Uninvited pero hindi nga nila mapapanood sa MIFF. Mabilis lang naman ang panahon, soon sa ibang platform gaya ng Netflix ay posible na rin nilang mapanood ang nasabing movie ni ate Vi.

Bukod kay Ate Vi, ang mga kapwa showbiz luminaries na tatanggap din ng Lifetime Award mula sa MIFFay sina kuya Ricky Lee, Boots Anson Rodrigo, at ang yumaong si Mother Lily Monteverde.

Ang mga Hollywood based Fil-Am actors naman na sina Tia Carere at Nico Santos ay bibigyan din ng parangal. Sa March 7 iyan magaganap sa The International Ballroom of The Beverly Hilton in Beverly Hills, California, USA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …