POLICE VISIBILITY kailangan.
Naniniwala si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na kailangan ito sa ating komunidad upang maiwasan ang paglaganap ng krimen at matakot ang mga kriminal na namamayagpag sa bansa.
Ayon kay Tolentino, nalulungkot siya sa pangyayaring nakidnap ang isang mag-aaral ng international school ngunit maiiwasan sana ito kung talagang mayroong presensiya ng pulisya.
Agad nagpaabot ng pakikiramay si Tolentino sa pamilya ng napaslang na driver ng estudyante.
Nalulungkot si Tolentino sa sinapit ng estudyante at kanyang driver sa kamay ng mga kidnapper.
Umaasa si Tolentino na mareresolba ang kaso sa lalong madaling paahon at makakamtam ng pamilya ang hustisya sa sinapit ng kanilang kaanak.
Magugunitang agad nakuha ng mga awtoridad ang labi ng driver at agad nasagip ang estudyante na pinutulan ng daliri ng mga kidnappers.
Inamin ng pulisya na nakikita nila ang anggulong ‘benggansa’ dahil ang ama ng biktima ay dating sangkot sa POGO at mayroong iba’t ibang negosyo. (NIÑO ACLAN)