Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian ngayong 20 na — Feeling ko dalaga na, may nag-aaya na, may  nagreregalo na 

MA at PA
ni Rommel Placente

MAS naging mature na ngayon ang pananaw sa buhay ni Jillian Ward matapos magkaroon ng chance na makapag-reflect.

Sabi ni Jillian, “Recently po kasi napansin ko maraming nagkakasakit, even myself, so nagkaroon ako ng time to contemplate about life.

“Nag-self-reflect ako, sabi ko, ‘Life is so short’. Gusto ko mag-show ng appreciation sa lahat ng mga taong nasa buhay ko, mga taong sumuporta sa akin or nagbigay sa akin ng experiences.

“Kasi sobrang hindi mo po alam kung anong mangyayari sa buhay mo.”

Ayon pa kay Jillian, lahat ng mga friend at nakatrabaho niya sa mga ginawang acting projects nitong mga nagdaang taon ay inimbitahan niya noong ipagdiwang niya ang kaarawan kamakailan, pati na ang naging co-star niya noon sa Prima Donnas na si Sofia Pablo.

Nabalita noon na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Jillian at Sofia na nakaapekto sa kanilang friendship.

“Yeah, I invited everyone na naka-work ko. In-invite ko lahat, yes, everyone. Kasi gusto ko talaga na lahat ng naka-work ko, lahat kumbaga, nakilala ko, eh makapunta. Kasi para sa akin, na-realize ko, life is an experience lang po talaga.

“We’re meant to experience life, and we’re meant to appreciate people na dumating sa buhay natin,”aniya pa.

At sa tanong kung handa na ba siyang magkaroon ng lovelife ngayong 20 na siya, lalo pa’t nali-link siya sa Mga Batang Riles actor na si Raheel Bhyria, aniya, “Feeling ko po talaga dalaga na ‘ko kasi ganoon po talaga. May nag-aaya na po sa ‘kin, tapos may mga nagreregalo, ganyan. Ewan ko! Ha-hahaha!” natatawang sagot ni Jillian.

“Ewan ko po sa kanya (Raheel), pero nagdala po siya ng flowers, nag-usap lang kami, kumain lang kami, so ayun. Ewan ko riyan!?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …