Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iza Calzado Dimples Romana The Caretakers

Dimples Romana na-challenge kay Iza Calzado

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAPANSIN-PANSIN ang tila ‘extra effort’ ng acting ni Dimples Romana sa The Caretakers.

May mga eksena kasing napansin ang ilang mga film reviewer na mukhang sobrang na-challenge si Dimples sa kapwa niya bida sa movie na si Iza Calzado.

“Minimal lang naman, pero halata,” sey ng mga film critic na nakapnood ng horror movie mula sa Regal Entertainment.

Sa naturang movie kasi ay halos ang dalawang senior stars ang inilalako bilang bida though para sa amin ay higit nga silang naging mahusay dahil sa presence ng mga bagets stars na gumanap bilang mga anak nila.

The fact is, may mga eksena sa movie na kaya ka matatakot o kakabahan ay dahil sa galing ng mga batang artista led by Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erika Clemente, at Erin Rose Espiritu. 

Kay gagaling ng mga bagets sa lahat ng eksena nila dahil ang puso at buod ng kuwento ng movie ay sa kanila naman talaga nakasentro, kasama na ang elementong inire-represent ang kalikasan.

Still showing pa po sa mga sinehan ang The Caretakers under the direction of Shugi Praico at co-producer din si direk Lino Cayetano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …