Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Catriona Gray Moira dela Torre

Sam itinanggi Moira ‘di 3rd party sa hiwalayan nila ni Catriona

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview din ng ABS-CBN kay Sam Milby, nilinaw nito na walang katotohanan ang mga lumabas na balita na si Moira dela Torre ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Catriona Gray.

Wala raw third party sa hiwalayan nila ng dating beauty queen..

Nag-viral  ang video sa isang event na dinaluhan ni Catriona kamakailan. Marami ang nakapansin sa pagbati isa-isa ni Catriona  sa mga naroon sa stage, pero nilagpasan daw at inisnab si Moira. 

Kaya naman nag-conclude na naman ang mga netizen. Kinonek agad si Moira sa hiwalayan nina Sam at Catriona. 

Paliwanag ni Sam, “There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all. It makes me sad.

“If there’s no evidence, ‘wag ninyong paniwalaan ‘yung nakikita ninyo because in this incident, there’s absolutely no truth to it all.”

Hindi naman itinanggi ni Sam na naging super close sila ni Moira noong mga panahong nagsisimula pa lamang ang career nito. Iisa lang kasi ang management nila, ang Cornerstone.

“Sobrang close kami before, and I guess people wanted to connect our closeness to may nangyari sa amin.”

Sa ngayon ay hindi na sila close o magkaibigan ni Moira. Ayaw na nga lang sabihin ng singer-actor ang dahilan.

Kinuha naman ang reaction ni Sam sa pag-iyak ni Catriona nang manood ito ng concert  ni TJ Monterde. Noong kinakanta na ni TJ ang sikat nitong awitin doon na naiyak si Cat. 

Sinasasbi ng iba na ang dahilan ay naalala raw siguro ni Cat ang break-up nila ni Sam.

Reaksiyon ni Sam,  “If you wanna ask her what she was feeling, I can’t speak for her. I know that we’re okay. Kahit after ng concert I said, I’ll go to the backstage. ‘coz we’re okay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …