Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez no comment sa isyung may relasyon sila ni Mark Herras

MA at PA
ni Rommel Placente

INI-REVIVE ng tinaguriang Revival King , Jojo Mendrez ang pinasikat na kanta noong 80’s ng namayapang singer-actress na si Julie Vega. In fairness, ang ganda ng rendition ni Jojo sa kanta. Malayong-malayo sa version ni Julie. Iniba niya ang atake.

Ang mga award-winning actress na sina Maricel Soriano, Janice de Bellen  at Nora Aunor, ay nagustuhan ang version ni Jojo nang mapakinggan nila ito.  Kaya siyempre, flatterred si Jojo.

Si Mon Del Rosario ang sumulat ng Somewhere In My Past. Noong 2019 ay nagpa-audition siya para sa magre-revive ng nasabing kanta.

Ang management ni Jojo, ang Aqueous Entertainment nina David at Vince ay ipinalista siya para mag-audition. Mahigit 100 ang nag-audition, at maraami ritong mga kilalang singers na sa music industry. 

Hesitant noong una si Jojo na mag-audition, dahil insecure siya sa kanyang katawan. May  katabaan siya that time. At  natatakot siyang makipag-compete sa ibang mga kapwa niya singers.

Pero kinumbinsi siya nina David at Vince, at napapayag na rin siya na mag-audition.

And luckily, siya ang napili ni Mon na mag-revive ng Somewhere In My Past. At according to Mon, the reason kung bakit si Jojo ang napili niya ay dahil sa pagkakaroon nito ng maganda at kakaibang boses na hinahanap niya, para mag-revive ng naturang kanta.

Sa ngayon ang  Somewhere In My Past ay may 45 million collective views sa social media.

Napakikinggan ang song sa top radio stations nationwide such as Love Radio, Energy FM, Easy Rock and Yes FM.

Samantala, nali-link ngayon si Jojo kay Mark Herras after makita silang magkasama sa isang hotel casino. Sinasabi na may relasyon sila. 

Ayon kay Jojo, hangga’t maaari ay ayaw niya nang mapag-usapan o sagutin pa ang tungkol dito.

No comment! Pasensya na. Kasi ano, ‘yan nga ang pinagdaraanan ko ngayon, nai-isyu kami ni Mark.

“Sabi nga ng management ko, ‘huwag mo nang sagutin ‘yan.’ Kasi kahit sabihin ko na hindi, sasabihin ng mga tao, oo. Kung sasabihin ko naman na oo, sasabihi naman ng mga tao, hindi.

“So saan ako lalagay doon?” sabi pa ni Jojo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …