Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Dennis Trillo

Jennylyn minsang kinuwestiyon pagpapakasal sa kanya ni Dennis

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Jennylyn Mercado sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin niya na noong una, may duda siya sa pagpo-propose sa kanya ng kasal ng mister niya ngayong si Dennis Trillo, habang nagdadalang-tao siya.

Feeling kasi ni Jennylyn noon, baka raw kaya niyaya siyang magpakasal ni Dennis ay  dahil nga buntis na siya sa una nilang anak na si Dylan.

Kaya naman tinanong niya raw noon ang aktor. Sabi niya kay Dennis, “Kaya mo ba ako pakakasalan kasi buntis ako?”

Ang sagot naman daw sa kanya ng aktor ay  hindi ‘yun ang dahilan. Mahal talaga niya ang aktres kaya gusto siyang pakasalan. 

Ayon naman kay Dennis na kasama ni Jennylyn sa guesting niya sa nasabing talk show, naiintindihan naman niya ang mga hugot ng kanyang misis.

Pero alam naman nito kung gaano niya ito kamahal, dahil ipinararamdan naman daw niya. At ang katibayan na nga na sincere ang pagmamahal niya kay Jennylyn ay nang pakasalan niya ito.

Sa ngayon ay almost four years nang nagsasama bilang mag-asawa sina Dennis at Jennylyn. At going strong ang marriage nila. Never pang napabalita na on the rokcs ang marriage nila.

Nagpakasal sina Jennylyn at Dennis noong November 15,  2021 at isinilang naman ang panganay nila noong May, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …