MA at PA
ni Rommel Placente
SA bagong serye ng ABS-CBN na Nobody, sina Gerald Anderson at Jessy Mendiola ang magkapareha rito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na magsasama sa serye sina Jessy at Gerald. Una silang nagtambal sa sikat na sikat na serye noon ng Kapamilya Network na Budoy, na gumanap dito si Gerald bilang autistic, at si Jessy naman bilang best friend at love interest.
Sa serye ay magkakaroon ng kissing scenes sina Jessy at Gerald. Pero okey lang ‘yun sa mister ni Jessy na si Luis Manzano.
Ayon sa aktor-TV host, hindi naman siya magseselos. At napag-usapan na naman nila ‘yun before pa ni Jessy.
Tinanong daw siya kasi siya ng misis, na kung halimbawang may offer sa kanya na may kissing scene o lovescene ay kung okey lang ba sa kanya?
Ang sagot ni Luis, kung sa tingin ng misis ay may fulfillment ‘yun sa kanya bilang isang aktres, tanggapin nito ang offer at okey lang ‘yun sa kanya.
O ‘di ba, ganoon kalawak ang pang-unawa ni Luis, na naiintindihan niya si Jessy, na trabaho lang naman ang gagawin nito bilang isang artista at walang personalan.
At siya rin naman kasi na bukod sa pagiging isang host ay isa rin namang artista.
Nakausap namin si Luis sa ikatlong edisyon ng Barako Festival na binuksan noong Huwebes (February 13) at nagtapos noong Sabado (February 15).
Hindi lang pagdiriwang ng dekalidad na uri ng kape sa lalawigan ang ipinagdiwang sa Barako Festival, itinampok din dito ang mga nangungunang produkto ng bawat lungsod at munisipalidad at kung paano iyon lumilikha ng mga trabaho at nagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
“Ang mga hotel ay ganap na naka-book. Laging puno ang mga restaurant. Wala nang mas maganda pa rito,” pahayag ni Bryan Diamante, pangulo at chief executive officer ng Mentorque Productions sa isang press conference.