Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryza Cenon Lilim

Lilim trailer pa lang mapapasigaw na

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PINANINDIGAN na ni Ryza Cenon ang pagkakaroon ng semi kalbo look simula nang magpakalbo siya para sa movie na Lilim.

Though, last year pa niyang natapos gawin, hanggang nitong 2025 mine-maintain na ng aktres ang pagiging kalbo.

“I am more comfortable with this now. Para ngang mas naiilang na ako na mahaba (buhok),” sey ni Ryza na may kakaibang role sa Lilim.

Award-winning movie na ito na nanalo last year sa isang festival abroad directed by Mikhail Red.

Kasama niya sa movie sina Heaven Peralejo, Eula Valdez, Gold Aceron, at marami pang iba.

At dahil may third eye si Ryza, gaya ni Eula ay marami rin siyang nai-share na karanasan while doing the film.

Pero gaya nga po ni ate Eula, dapat nirerespeto natin ang space nila sa mundong ito. Ako, I just talk to them and wish them na mas maging at peace sa spaces namin,” makahulugang pahayag ni Ryza.

Showing na ngayon ang Lilim at base sa trailer na aming napanood, tunay namang may sindak, takot, at mararamdaman ang kababalaghan.

Sa totoo lang, trailer pa lang ay napapasigaw na kami kaya’t how much more pa kaya ‘pag full length movie na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …