PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“KAHIT gaano ka kagaling, kahusay at kasipag magserbisyo, kung kulang o wala kang teamwork, hindi sapat ang success.” Ito ang wika ni Star For All Seasons Vilma Santos, na siyempre pa ay napaka-importanteng “figure” sa Barako Fest.
“Teamwork” nga ang kakambal ng public service goal ni ate Vi, dahil bilang babalik na ina ng Batangas, napatunayan na niya iyan sa lahat ng pagkakataon ‘ika nga.
“Useless kasi kapag walang teamwork. Dapat lahat ng sektor nagtutulungan para sa iisang goal. Mas napapadali at nasisiguro ang success ng isang program o proyekto kapag may team unity at teamwork ang mga lider at supporter,” pahayag pa ni ate Vi.
Sa muling pagtakbo ni Ate Vi sa Batangas bilang governor, susubukan din nina Luis Manzano at Ryan Christian Recto ang maka-tandem siya. Si Luis ang kanyang running mate bilang vice governor, habang si Ryan naman ay tatakbong congressman sa sixth district ng Batangas.
“Serbisyong May Talino at Puso” ang campaign logo ng pamilya na siyempre pa ay naka-angkas sa mga plataporma nilang HEARTS (ate Vi’s) at LUCKY (Luis), na proven nang tumutugon sa mga usaping Health, Education, Agriculture, Road and Infrastructure, Tourism and Technology, Security and Social Service, pati na ang Employment, Youth, Women and Children, and others.
“Let people judge. Sila naman ang huhusga,” dagdag pa nina Ate Vi, Luis, at Christian sa laging ipinupukol na ‘political dynasty isyu sa kanila.
As if naman, sa buong bansa ay sila lang ang magkaka-pamilya na nasa politika.
Ang ipinagkaiba nga lang nina Ate Vi and family, nakikita, nararamdaman at solid ang mga proyekto at suporta nila sa kanilang nasasakupan. Walang bahid ng korapsiyon o mga krimen sa lipunan at mga tao.
“At iyan ang totoo,” ‘ika nga ng isang pamosong linya sa isang product advertisement.