Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Incgonito

Maris pinuri pagiging palaban, napatakbo ng naka-bra’t panty kahit malamig

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-VIRAL ang bra’t panty scene ni Maris Racal sa ABS-CBN series na Incognito.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng dalaga na talagang nagulat siya nang malaman na ang unang-unang eksenang kailangan niyang gawin sa Incognito ay ang pagtakbo na suot lamang ang kanyang underwear.

Siyempre, bukod sa pagsusuot ng bra at panty, ang isa pang challenging part ng nasabing eksena ay ang sobrang lamig na weather sa Baguio City.

Post ni Maris sa kanyang IG account, “I didn’t expect this to be the first scene I’d have to shoot on day 1 of the Baguio leg for Incognito.

“Oh well… ang masasabi ko lang ay ANG LAMIG!”

Sa naturang Kapamilya action-thriller series, ginagampanan ni Maris ang karakter ni Gab Rivera. Puring-puri ang aktres pati na rin ang leading man niyang si Anthony Jennings ng mga viewer dahil sa kanilang akting.

Narito ang ilang reaksiyon ng netizens kay Maris. 

“Bagay sa knya  ang role hndi bastos tingnan n tumakbo lng prang mag two piece may essence then taas p takong ng shoes. ang galing  nya umakting at mag French.”

“Kahit anong issue ibato, apakagaling n talento, di kayang pakupasin…Inis den ako s cheater, pero she is working so hard tlg, nbgyan nya ng justice ung role nya, bagay n bagay s knya ang action.”

“Ok lang yan Maris at least may ilalabas ka…saka ang galing2 mo sa INCOGNITO salute you…hayaan natin ang bashers…inggit cla kc may ibubuga ka.”

“Ang galing ni maris, Di pa masagwa mag 2 piece. Basta gusto ko syang umarte, Ang galing umatake.. palaban.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …