Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward Coco Martin Vice Ganda John Lloyd Cruz

Jillian gustong makatrabaho sina Coco, Vice, at John Lloyd

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON sa lead star ng Kapuso series na My Ilonggo Girl, na si Jillian Ward, nagsimula na siyang mamuhay ngayon bilang independent woman.

Sabi niya sa panayam ng ABS-CBN“So far, I’m learning a lot. Talagang ang daming nagta-transform sa buhay ko. I feel like I’m maturing. This year actually, ini-start ko na ‘yung pagiging independent.

“I’m staying sa sarili kong unit, ganyan. Ang dami ko talagang natututunan so far kahit January pa lang.”

Tulad ng iba, dumaan din si Jillian sa awkward stage ng kanyang career. 

“Actually, noong una naging mahirap talaga siya kasi nagkakaroon ako ng awkward stage noong mga 10 to actually 17 years old, awkward stage ko ‘yun.

“Pero noong ginawa ko ‘yung ‘Abot Kamay Na Pangarap,’ ‘yun talaga ‘yung project na naging sobrang supportive ‘yung mga tao. And slowly, natatanggap na po nila na nagdadalaga na ako and 20 na ako next month,” sey pa ng aktres.

Patuloy pa niya, “But I also went through an awkward stage talaga. Sa projects medyo nahirapan sila kasi hindi nila alam kung ano ‘yung bagay na roles, kung pambata ba or dalaga na, ganyan. Noong mga time na ‘yun, sabi ko talaga sa sarili ko, alagaan ko lang ‘yung sarili ko.

“Minsan may mga comment pa rin na naiisip nila na mga 13 years old pa rin ako, ganoon. Parang hindi sila sanay sa mga role ko or minsan sa mga isinusuot ko. Hindi sila sanay kapag nakaganito (suot na gown) ako na pananamit. So nire-remind ko sila na, ‘Hala, guys, magtu-20 na ako next month. Ha-hahaha!”natatawang sabi pa niya.

Samantala, natanong din si Jillian sa nasabing interview kung sino-sino sa mga Kapamilya star ang nais niyang makatrabaho in the future.

Gusto ko maka-work si Meme Vice (Ganda), sobra! Kapag nagkikita kami talagang napaka-sweet niya sa akin kaya sobrang mahal na mahal ko siya.

“Si Coco Martin, pati sila sir John Lloyd Cruz, gusto ko talaga maka-work lahat lalo na po ngayon na mas open na talaga ang GMA at ABS-CBN sa isa’t isa,” sabi pa niya.

Posible ngang makatrabaho ni Jillian ang mga aktor na nabanggit niya mula sa Kapamilya dahil nagko-collab na ang ABS at GMA 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …