Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Winwyn Marquez Luxe Ana Magkawas

Winwyn mas humusay, gumaling, at very fresh

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ANG sexy ngayon ni Alexa Ilacad na nag-render ng kanta sa isang event.

Mereseng naka-gown ito at upbeat ang kinakanta, lutang pa rin ang galing at kaseksihan nito on stage.

Pero kakaiba ang dance number ni Winwyn Marquez na earlier that day ay may sashing ceremony bilang official candidate ng Muntinlupa City sa darating na Miss Universe Philippines pageant.

At 32, mas humusay, gumaling, still very fresh and young looking si Winwyn na punompuno ng confidence kaya’t lalo itong gumanda at naging ismarte. Kahit sinong mas bata sa kanya na makakalaban niya soon ay kakabahan talaga at mangangatog dahil kompletos rekados si Wyn sa mga usaping pasarela, comm skills, talino, gandang Pinay at magandang kalooban nito.

Napaka-marespeto pa nito dahil ito pa talaga ang kusang lumapit sa amin para makipag-kumustahan at dahil hindi nga kami invited sa sashing ceremony niya earlier that day, sa tsikahan namin ko lang nalaman na gogogo na nga siya as Muntinlupa rep. 

Mismong si Ana Magkawas na siyang may official rights ng Miss Universe-Phils Muntinlupa ang nag-appoint sa kanya at nangakong magbibigay ng 100% support.

Present din si Dimples Romana na gaya ni Winwyn ay marespetong lumapit at nakipaghuntahan kahit saglit sa mga nakita at nakilala niyang media friends.

Pero siyempre mas special kami dahil may mga pabulong na tsismis kaming napag-usapan.

Uy, touched din ako kay Dominic Roque ha. Noong makita niy akong papalapit sa table niya, tumayo ito, iniabot ang kamay at masuyo kaming pinaupo sa tabi niya.

Again, nagkumustahan kami ng mga private tsikahan on his advocacies sa Gabay Kalikasan at Gabay Guro, pati na yung ‘rider team’ nila nina Jak Roberto na minsan naming nakasalubong sa isang event sa Nueva Ecija.

Pero ‘yun na nga, noong batiin na namin itong mas lalong pumogi at naging at peace maybe dahil sa lovelife, isang napaka-gwapong ngiti ang isinukli nito sabay sabi ng, “no tsismis today papa Ambet.”

For sure, ‘yung mga dealer/distributor nMs Anaat ng Luxe ay sulit na sulit ang paghanga sa mga artista/endorser na nabanggit dahil game na game ang mga ito sa pakikipag-piktyuran sa kanila.

Mula sa coffee products at supplements, bongga na rin ang cosmetics, beauty at iba pang wellness products ng Luxe.

Mabuhay po kayo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …