Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karen delos Reyes Boobay

Boobay at Karen totoo ang bardagulang naganap sa isang show

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting din ng komedyanteng si Boobay sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin niya na hindi scripted ang bardagulan at talakan nila ng dating aktres na si Karen delos Reyes nang mag-guest ito sa isang episode noon ng Kapuso reality show na Extra Challenge, na sila ni Marian Rivera ang hosts.

Yes po Tito Boy, na hindi ko rin ini-expect (ang away nila ni Karen),” ang pag-amin ni Boobay nang tanungin tungkol sa awayan nila ni Karen.

Sinadya raw talaga niyang maliin ang pagtawag sa apelyido ni Karen na ginawa niyang “delos Santos” sa halip na “delos Reyes.”

Nais lamang naman daw niyang biruin si Karen noon, na sumikat sa isang fast food commercial na tinatawag ang aktres ng kanyang lolo na “Gina” sa halip na “Karen.”

Ako tinray ko naman na i-feed siya sa apelyido naman, ang in-expect ko na sasabihin niya, ‘delos Reyes po’ (mahinahon ang pagkabigkas),” paliwanag ni Boobay.

Pero hindi nga ganoon ang nangyari, sa halip napikon sa kanya si Karen at galit na isinigaw ang apelyido niyang “delos Reyes” bilang pagkokorek kay Boobay. Nauwi nga sa away ang eksena na talagang ipinakita sa naturang episode ng Extra Challenge.

Nang akmang magpipisikalan na ang dalawa ay umawat na mismo si Marian pati na ang ilang staff ng programa.

Sabi ko ‘Ay hindi ako papayag. Lalaban ako,’” sabi pa ni Boobay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …