Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Sager Jillian Ward

MicJill may chemistry, iba ang kilig

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PERFECT 10 ang grado o marka na ibinigay nina Michael Sager at Jillian Ward sa kanilang friendship ngayon.

Marami na ring mga fan ang mukhang isinusulong ang tandem nila bilang MicJill para sa top rating show nilang My Ilongga Girl sa GMA 7.

Bagay na bagay sila. Grabe ang kilig namin kapag pinapanood namin sila. Sana sila na nga,” sigaw ng kanilang fans na hindi naniniwalang walang nararamdaman ang dalawa aside from being co-workers.

Marami rin ang sumasagot sa isyung never naman daw inamin kahit kailanman ni Michael na GF na niya si Cassy Legaspi.

Uy, malinaw sa interview ni Michael na sinabi niyang very dear and good friend lang sila ni Cassy. Kaya may pag-asang maging sila ni Jillian,” komento pa ng ilan.

Well, as usual, ganyan naman talaga lagi kapag may mga show ang ini-li-link na mga artista. Pero sasang-ayon kami na kakaiba at grabe naman talagang nakakikilig ang tandem ng MicJill. Swak na swak ang kanilang mga hagikgikan at pagtawang nawawala na ang mga mata dahil feel na feel nilang masaya sila.

Pramis, kilig na kilig din kami!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …