OPISYAL na tinanggap ng Senado ang impeachment complaint mula sa Mababang Kapulungan ng Kongeso laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa huling sesyon ng senado bago magbakasyon, tinanggap ng senado ang impeachment complaint laban kay Duterte.
Ngunit tikom ang bibig ng mga senador lalo na si Senate President Francis “Chiz” Escudero ukol sa naturang reklamo.
Uupong mga hukom ang mga senador sa sandaling sila ay mag-convene bilang impeachment court kahit naka-break ang dalawang kapulungan ng kongreso.
Masusing pinag-aaralan ng senado ang inihaing impeachment complaint laban kay Duterte ngunit nabigong matalakay sa sesyon ng senado ang reklamong inihain laban sa bise presidente
Sa isinumiteng reklamo ng mababang kapulungan ay kanilang tinukoy ang mga uupong prosecutor o kakatawan sa kongreso at pamahalaan. (NIÑO ACLAN)