Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Hsu Connected Meteor Garden

Barbie Hsu bahagi na ng Pinoy culture

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI pa rin ang nagbibigay ng kanya-kanyang ‘pasasalamat’ sa yumaong si Barbie Hsu na naging bahagi na nga ng pop culture ng Pinoy noong early 2000’s dahil sa Meteor Garden series at iba pa nitong projects.

Ibang klase rin talagang magmahal ang Pinoy fans ng entertainment and arts. Hindi man Pinoy si Barbie o iba pang artists nakapag-paantig naman ng damdamin ng mga Pinoy. Basta talaga magustuhan natin, tila ginagawa natin silang kapamilya, kapuso o kapatid.

At 48, tunay namang bata pang maituturing ang Taiwanese actress. Na-cremate na ito at sa mga lumabas na videos tungkol sa cremation niya, talaga namang nakalulungkot ang mga eksena lalo’t halos maliliit pa ang anak niya.

Bigla ngang pinag-usapan ng fans at tinangkilik sa Netflix ang Connected movie na ginawa niya in 2008 na na-nominate pa siya as best ctress sa isang Hongkong award-giving body.

Yes mare at mga ka-Hataw, inulit nga rin naming panoorin at tunay namang nakakalokah ang husay at ganda niya.

Muli, paalam Barbie, ang ating forever Shan Cai at Salamat!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …