Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marites University Star Awards

Marites University nakakuha ng 2 nominasyon sa Star Awards 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GUSTO muna naming magpasalamat sa mga bumubuo ng Star Awards for TV ng PMPC o Philippine Movie Press Club, dahil sa bonggang nominations na ibinigay nila sa Marites University episodes namin sa All TV.

Nominado ang Marites University bilang Best Showbiz Oriented Talk Show habang kaming mga host mula sa inyong lingkod Ambet Nabus, at mga kasamahang Jun Nardo, Rose Garcia, at Mr. Fu ay nominado naman bilang Best Showbiz Oriented Talk Show Host.

Sa March 23 gaganapin ang kanilang pagpaparangal sa mga programa at performances sa TV na nagmarka sa nakalipas na 2024.

Top honorees ngayong taon sina Janice de Belen, Julius Babao, at I-Witness.

Pararangalan ng mga natatanging lifetime awards (Janice at Julius) at pagluklok sa hall of fame (I-Witness).

Sa pamumuno ng bagong halal na pangulo ng PMPC na si Mell Navarro at Over-all Chairman Rodel Fernando, sampu ng kanilang mga opisyal at miyembro, inaasahang muli na namang magtatagumpay ang pagbibigay parangal sa mga natatanging palabas sa TV, mga naglalakihang artista, at produksiyon. 

Salamat po.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …