Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tensiyon sa HOA ng Multinational uminit Writ of Execution para sa pagsusuri ng libro, perpetual DQ sa ilang board member inihain

Tensiyon sa HOA ng Multinational uminit,
Writ of Execution para sa pagsusuri ng libro, perpetual DQ sa ilang board member inihain

NAGKAROON ng tensiyon sa Homeowners Association (HOA) at sa kampo ni Julio Templonuevo at Arnel Gacutan na kasalukuyang Pangulo matapos ihain ni Human Settlements Adjudication Commission (HSAC)  Roland Gabayan ang Writ of Execution na inilabas laban sa grupo ng huli.

Ang naturang Writ of Execution ay naglalaman na inuutusan ang kasalukuyang board na payagang buksan at busisiin ang libro ng asosasyon.

Bukod dito, tinukoy din ang pagsasapinal ng perpetual disqualification laban sa ilang board members kabilang si Gacutan na nangangahulugang wala na siyang kaparatang manatili pa sa puwesto.

Ang tensiyon ay naganap matapos na hindi payagan ng mga security guard, pawang mga kontrolado ni Gacutan na makapasok sa clubhouse ang mga residente at kasamahan ni Templonuevo sa paghahain ng Writ of Execution ng Sheriff na nagresulta sa sigawan at tulakan ng magkabilang kampo.

Ngunit walang nagawa ang security group ng kampo ni Gacutan  at ang humarap na abogado nito na hindi payagang maihain ni Sheriff Gabayan ang kautusan ng HSAC.

Nakapaloob sa kautusan na dapat isilbi ni Sheriff Gabayan ang kautusan sa office day at office hours.

Depensa ng kampo ni Gacutan, mayroon pa silang 15 araw para sagutin ang nilalaman ng writ of execution.

Ngunit sigaw ng mga resisdente na sumugod sa club house, dapat igalang at kilalanin ng kampo ni Gacutan ang kautusan.

Naniniwala ang mga resisdente na mayroon silang karapatang pumasok sa clubhouse bilang homeowners dahil sila ang may-ari nito.

Bukod dito, dapat gawin ni Gacutan ang pagbaba sa kanyang puwesto dahil tanging ang Court of Appeals lamang ang puwedeng kumuwestiyon sa naging desisyon ng HSAC dahil ito ay maituturing na final and executory.

Hindi humarap si Gacutan kundi tanging head of security at isang nagpakilalang abogado ang humarap sa sheriff.

Bukod sa grupo ni Templonuevo, kasama nitong sumugod sa clubhouse ang ilang mga madre na residente na naroroon ang kanilang kombento at ilang mga residente kabilang ang senior citizens.

Aminado ang mga madre na napasugod sila dahil apektado sila sa maling pamamalakad ni Gacutan na pati sila ay pinutulan ng suplay ng tubig.

Kaugnay nito nagbabalak na magsagawa ng isang prayer rally ang mga madre at residente sa loob ng 15 araw.

Nanawagan din si Director Alex Tan sa pamahalaan ng Parañaque na kumilos at umaksiyon nang patas para sa ikakatahimik ng kanilang lugar at asosasyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …