Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JK Labajo

Dinagyang organizers dapat inalam estilo ng kanta ni JK 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NANINIWALA kaming dapat nga sigurong inalam muna ng organizers ng Dinagyang Festival sa Iloilo City ang estilo ni JK Labajo bago nila ito inimbitahang maging guest sa okasyon nila.

Malaking bahagi kasi ng expression ng kanta ni JK ang mala-naughty, double meaning at literal na pagmumura sa kanta niya lalo sa song na Ere.

Siyempre ang generation ngayon, win na win sa kanila ang ganoong style. 

Ang ending, nainsulto si mayor at ibang namumuno sa okasyon dahil anila, isang religious festivity ang Dinagyang at in-appropriate sa okasyon ang kanta ni JK.

Hinihingan nila ng public apology ang aktor-singer dahil sa pangyayari pero wala pa kaming update kung ginawa na ito ni JK.

Naalala tuloy namin si Julie Anne San Jose na kumanta ng Dancing Queen sa altar ng isang simbahan with gown na may mahabang slit at sexy. Kinastigo rin ang singer-actress dahil “inappropriate” nga ang kanta at kasuutan sa lugar ng performance.

But come to think of it, dapat nga bang ang mga performer ang sinisisi sa mga ganitong pangyayari?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …