Thursday , May 15 2025
United Batangas for Peace prayer rally

Libong Batangueños sumali sa ‘prayer rally’ sa Bauan para sa ‘Peaceful Batangas’

LIBO-LIBONG Batangueño ang nagtipon sa bayan ng Bauan upang maglunsad ng prayer rally para sa isang mapayapang Batangas, itinuturing na isang makabuluhang kaganapan na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, pananampalataya, at kapayapaan bago ang darating na halalan.

Nagsimula ang programa sa isang Walk for Peace, 12:30 ng tanghali, simula sa Bauan Technical High School at nagtatapos sa Plaza Orense.

Sumisimbolo ang ‘Walk for Peace’ sa sama-samang adhikain ng mga Batangueño para sa isang mapayapa at maayos na halalan.

Nakilahok ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga pinuno ng relihiyon, opisyal ng gobyerno, komunidad ng LGBTQ, at mga residente ng Bauan, upang ipagdasal ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Dinaluhan din ang naturang kaganapan ng mga kilalang personalidad tulad ni Vice Mayor Jay Manalo Ilagan, kandidato sa pagka-gobernador; Congressman Rodante Marcoleta, senatorial candidate; dating Congressman Raneo Abu; at mga opisyal ng lokal na pamahalaan mula sa Ikalawang Distrito ng Batangas at Bayan ng Bauan.

Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa halip na hidwaan at pagkakahati-hati sa politika.

“Ang isinisigaw natin, patuloy na kapayapaan. Ang isinisigaw natin, pagkakaisa. Narito kami. Inihahain ang buhay para sa pagkakaisa, para sa kapayapaan ng ating bayan, ng ating distrito, ng ating lalawigan at ng ating bansa,” pahayag ni dating Congressman Raneo Abu.

Iginiit ni Batangas gubernatorial candidate Ilagan ang kanyang pangako sa mga mamamayan ng Batangas: “Ako ang sandigan ninyo para sa kinabukasan. Ipaglalaban ko kayong lahat. Ipaglalaban ko ang buong mamamayang Batangueño. Iisa ang ating direksiyon, iisa ang ating pupuntahan, isang World Class Batangas.”

“Para sa akin, kapag mali talagang mali. Hindi ako kailanman sasama sa isang bagay na mali,” babala ni Cong. Marcoleta ang mga botante.

“Huwag ninyong ipagbili ang kinabukasan ng ating bansa,” dagdag ni Marcoleta.

Ayon sa United Batangas for Peace, ang organizer ng prayer rally, hindi lamang tungkol sa halalan ang kaganapan kundi isang hakbang din tungo sa pagpapanatili ng kultura ng kapayapaan sa Batangas.

Habang papalapit ang halalan, nagsisilbing paalala ang pagtitipon na ito na ang tunay na serbisyo publiko dapat mag-ugat sa integridad, paggalang, at kapayapaan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …