Thursday , May 15 2025
Partido Federal ng Pilipinas nagdaos ng converge summit para sa 2025 elections

PBBM dumalo
Partido Federal ng Pilipinas nagdaos ng converge summit para sa 2025 elections,

NAGDAOS ng isang converge summit ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) bilang paghahanda sa 2025 senatorial at local elections.

Sa naturang summit ay tinalakay ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson Atty. Rex Laudiangco ang magaganap na automated election sa Mayo 2025.

Hindi kinalimutan ni Laudiangco na talakayin ang mga ipinagbabawal sa simula ng kampanyahan hanggang sa pagtatapos ng halalan.

Tinalakay niya ang magiging halalan sa Bangsangmoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang nakatakdang maganap na barangay at SK elections (BSKE) na planong maganap sa Disyembre ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Laudiangco, walang ipinagkaiba halos ang pamamaraan at gastusin ng magaganap na halalan ngayong Mayo kompara sa BSKE na manual ang pamamaraan.

Kabilang sa dumalo sa naturang summit ang mga local government units (LGU) na miyembro ng PFP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ganoon din ang ilang tatakbong mga miyembro ng PFP para sa lokal na posisyon sa May 2025 elections.

Dumalo din sina Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino at  sina Senatorial candidate pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao at Benhur Abalos.

Maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr., tumatayong National Chairman ng partido ay hindi pinalampas ang okasyon upang ipakita ang kanyang suporta.

Ayon kay Marcos maganda ang naturang pagkakataon upang silang mga opisyal at miyembro ng Partido ay magkaharap-harap lalo na’t magiging abala sa mga aktibidad sa mga susunod na buwan kaugnay ng halalan.

Iginiit ni Marcos na mahalaga ang pagkakaisa hindi ang maging malaki lamang ang bilang ng isang partido.

Umaasa si Marcos na magtatagumpay sa hangarin ang lahat ng miyembro ng partido na sasabak ngayong darating na halalan.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …