Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera

Marian Rivera buntis kaya nagpaigsi ng buhok?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SPORTING a new and short hair ang dyosa sa kagandahan na si Marian Rivera nang muli itong humarap sa media, para sa renewal ng kontrata sa Luxe Beauty and Wellness Group bilang ambassador ng produktong Ecran de Luxe.

Ecran is a French word for “screen” dahil may kinalamang nga ito sa ‘sunscreen’ na nagiging proteksiyon laban sa init ng araw at mga liwanag kahit nasa indoor ka pa.

At dahil second year na ito ni Marian sa kompanya. Kapamilya ang turing sa kanya ng CEO nitong si Ms. Anna Magkawas.

“There’s no one else who can best represent our product. Hindi na namin siya kailangan i-oblige na sundin ang nasa kontrata about advertising or using our product dahil she is doing it religiously. Ganoon siya kahusay na endorser,” sey ni Ms. Anna.

“Kilala naman talaga ninyo ako. Hindi ako basta-basta tumatanggap ng endorsement na hindi ko pinaniniwalaan at ginagamit. Sabi ko nga, hindi lang ito about sa negosyo kundi sa respeto, values, at pagtitiwala,” sagot naman ni Marian na naita-translate nga sa sales ang effectivity niya bilang numero uno ring socmed artist, with millions of followers.

At dahil napag-usapan nga ang ang bagong maikling buhok ni Marian, simpleng “much in love” ang isinagot nito.

May mga nag-akalang baka raw buntis uli ang primetime queen ng GMA 7, pero ngiti lang ang isinukli nito.

Pero sa ayon sa kanyang management, may mga nakatakdang gawing movie at TV shows si Marian na inspired ngang maging mas masipag this year 2025 dahil naging very blessed siya last 2024.

May best actress awards sa mga award-giving bodies (for Balota), maraming endorsements, very busy bilang housewife and mother at may milyones ngang followers (30m plus) na patuloy siyang tinatangkilik at minamahal.

Nagkataon namang ngayong katapusan ng January 2025 magsisimulang ipalabas sa Netflix ang pelikula niyang Balota kaya’t sumegue na rin si Marian. “Sana marami ang makapanood. Nakae-excite rin na nasa ganitong platform na siya.”

Pero ang pinaka-nakabibilib kay Yan ay everytime na may offer pala siya, endorsement man o show, laging may special clause na kapag natatapat ang promo or what sa anumang activity ng mga anak niya sa school, need na i-prioritize ang mga bagets na lubos namang nauunawaan ng mga kumukuha sa kanya.

O, mga tunay na reyna lang ang nakagagawa ng ganyan, kaya’t mabuhay ka Marian and kudos!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …