Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stell nag-sorry kay Regine

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ALAM marahil ni Regine Velasquez na hindi niya kayang magalit o magtampo kay SB19 member Stell.

Dahil last minute ngang hindi makakasama sa Valentine show ni Regine si Stell, marami ang naloka at nagsabing may ‘something’ sa marketing na hindi agad na-address.

Mabilis kasi ang naging pag-anunsiyo na special guest ni Songbird si Stell kaya’t pumalo raw ang ticket selling ng show. Pero dahil mabilis din ang naging pag-advice na hindi na makaka-join si Stell, bigla rin daw bumaba ang bentahan nito.

Pero maagap din namang nagbigay ng statement si Regine na beyond their control ang naging desisyon ng management ni Stell na mayroon palang previous commitment na kasabay sa sinasabing show with Regine.

In fact, nagpahayag din ng kalungkutan si Stell at humingi pa ng sorry kay Regine na tinanggap naman ng huli at sinabi pang wala itong dapat ihingi ng sorry. Hindi rin daw siya nagtatampo at nauunawaan si Stell na soon ay makakasama rin niya sa ibang pagkakataon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …