Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AGAP Partylist

Presyo ng bigas, atbp salot sa ekonomiya pinatututukan sa Palasyo

NANAWAGAN ang mga magsasaka partikular ang grupo ng AGAP Partylist kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na tutukan ang usapin hinggil sa presyo ng bigas at pagbubuo ng mga ahenisya ng pamahalaan gaya ng national council para tuluyang masugpo ang smuggling, hoarding at profiteering.

Ayon kay AGAP Rep. Nicanor “Nikki” Briones, hindi ramdam ng publiko ang pagbaba ng presyo ng lokal na bigas sa bansa, dahil ang presyo ng imported na bigas lamang ang bumaba sa kabila ng mga hakbang ng gobyerno ukol sa nasabing isyu.

Nakausap na ni Briones ang mga dapat bumuo ng council na kinabibilangan ng DTI, NEDA, DOF at DA pero hanggang ngayon ay wala pa rin ginagawang hakbang o aksiyon.

Nagtataka rin ang mga magsasaka kung bakit hindi pa bumababa ang presyo ng local rice kahit bumaba na ang taripa at bumaba na rin ang presyo nito sa world market.

Aniya, dapat matutukan ito nang husto dahil mayroong mga nanamantala at nakikinabang nang husto sa pagpupuslit ng bigas.

Sinabi ni AGAP representative Briones na kailangan nang maparusahan ang mga hinihinalang cartel at rice manipulators sa bansa.

Matatandaang naharang kamakailan ng Bureau of Customs (BoC) ang pagpasok ng 21 containers ng smuggled frozen mackerel galing China sa Manila International Container Port (MICP) at sinampahan ng kaso ang kompanyang nagparating nito.

Sinabi ni Cong. Briones, nararapat maparusahan ang may-ari nito dahil paglabag sa batas na Anti-Economic Sabotage Act (pangunahing may akda si Briones) na ang parusa sa mga cartel, hoarder, at profiteering ay non-bailable at lifetime imprisonment.

Sinampahan ng kaso ang may-ari ng puslit na frozen mackerel na Pacific Sealand Foods Corporation, ngunit sa mga isinasagawang pagdinig ay hindi nagpapadala ng kinatawan ang kompanya.

Hinihinala rin na nagtatago na ang sinasabing may-ari — ang mag-asawang Tianding Cai, director; at Maria Theresa Cai, President, kaya hiniling na maglabas ng hold departure order para hindi makalabas ng bansa ang mga persons of interest.

Dagdag ni AGAP Rep. Briones, mahalagang maitatag ang konseho dahil ito ang maglalatag ng polisiya at bubuo ng enforcement group para mahuli, makasuhan at mapanagot ang mga smugglers, hoarders, at profiteers. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …