PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MULING nagluluksa ang showbiz dahil sa pagpanaw ng isa sa pinakadakilang movie queen na si Tita Gloria Romero.
At 91, halos tumagal ng pitong dekada sa showbiz si tita Glo, with movies and TV shows na talaga namang ilan sa masasabing “markado” sa industriya.
Naging close kami kay tita Glo since the early 80’s hanggang sa maging regular namin siyang viewer sa mga DZMM show from 2009 until we shut down in 2019.
Marami rin kaming mga anecdote kay tita Glo, but we will always treasure her endearing professionalism, regal bearing, unique kindness and acting style that is so committed. Ilan lang siya sa mga de-kalibreng artista na walang kaaway, walang inaaway o iniintriga man lang.
Hindi rin kami magugulat pa kung one of these days ay maiproklama rin siyang National Artist dahil sa mga naging kontribusyon niya sa industriya.
Rest in Peace Tita Glo. Maraming-maraming salamat sa iyong kabutihan, sa magagandang alaala at mga natatanging trabaho na forever magiging bahagi ng buhay ng Pinoy.