Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PBB Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab

ABS-CBN at GMA 7 sanib-puwersa sa PBB Celebrity Edition Collab

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI ang nag-aabang kung ang sinasabi bang teaser na BIG BALITA ng GMA 7 na dapat abangan ay ang PBB?

Although isa ang PBB sa masasabing lalong nagpalakas sa ABS-CBN network, may mga nagsasabing isa nga rin ito sa shows ng Kapamilya na posibleng sa GMA 7 na mapanood?

Maraming mga PBB fan ang tila hindi nagustuhan ang balitang ito, though very welcoming naman ang GMA 7 supporters if ever man daw ngang sa Kapuso na ito mapapanood this 2025.

Samantala, isang statement ang ipinalabas ng ABS-CBN ukol sa pagsasanib-puwersa nila sa GMA para sa Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother (PBB).

Opisyal na inanunsiyo ni Kuya ang pagsasama-sama ng ABS-CBN Star Magic talents at GMA Sparkle artists sa kanyang bahay.

Ang edisyong ito ay tatawaging Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab.

Ipalalabas dib ang PBB sa GMA-7.

Ito ang unang pagkakataong eere ang reality show sa Kapuso Network simula nang ipalabas ang unang season ng PBB sa ABS-CBN noong August 2005.

Narito ang statement ng ABS-CBN:  “Pinoy Big Brother marks its 20th anniversary with an exciting milestone as GMA Network and ABS-CBN collaborate for its newest season, ‘PBB Celebrity Edition Collab.’

“For the first time, PBB opens the doors of the iconic Bahay ni Kuya to welcome GMA Sparkle artists, alongside ABS-CBN’s Star Magic talents.

“Together, Kapuso and Kapamilya stars will collaborate and create unforgettable moments inside the PBB house.

“Maraming salamat, Kapuso and Kapamilya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …