Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Richard Gutierrez Anthony Jennings Maris Racal Baron Geisler Kayla Estrada Ian Veneracion

Daniel lumaki ang katawan, kilos action star

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ANG eklay naman ng nababasa naming tsismis tungkol sa umano’y pag-ali-aligid ni Daniel Padilla sa subdivision nina Kathryn Bernardo.

Kung parte man ito ng promo ng Incognito ay mukhang off at hindi nakatutulong sa pagka-action star ni DJ.

Napanood namin ang tatlong episodes ng Incognito sa Netflix kahit noong January 20 lang ito nag-start sa ABS-CBN platform.

Very promising ang action-series na mukhang ginastusan with it’s locations at mga star na kasali sa series.

Iba ang awra ni DJ sa series. Mas pumogi ito, lumaki ang katawan, ‘yung kilos niya pang-action star talaga, at hindi mabibigo ang mga manonood sa husay niya. Nandoon pa rin ‘yung appeal at karisma ni DJ at ‘yung galing niya sa pag-arte.

Sa naturang episodes ay na-establish agad na si DJ nga ang pinakabida, though we expect to witness Richard Gutierrez na bida rin lalo’t kasama niya si tito Eddie Gutierrez playing as his father in the series.

Very promising talaga itong si Anthony Jennings. Kengkoy na umaaksiyon pero effective. Hindi pa ipinakikita si Maris Racal sa tropa na kasama sina Baron Geisler, Kayla Estrada, at Ian Veneracion.

At dahil nakita namin si Elijah Canlas, tiyak naming kakaiba ang bardagulan sa pagka-kontrabida. Sobra lang talaga kaming humahanga sa napakagaling na aktor na ito.

Aabangan namin ito dahil kina DJ, Richard, Baron, Elijah, at Mathon. ‘Yung ibang kasama nila, sana’y mag-deliver ng wagas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …