Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jiro Manio

Jiro Manio muling ipamamalas galing sa pag-arte sa Eroplanong Papel

MA at PA
ni Rommel Placente

MATAPOS ang ilang taong katahimikan mula sa spotlight, ang dating child star na si Jiro Manio ay nagkaroon ng pagbabalik sa mundo ng pelikula sa pamamagitan ng indie film na Eroplanong Papel sa ilalim ng Inding Indie Film Production. 

Ang pelikula ay isinulat ni Nathaniel Perez at idinirehe ni Ron Sapinoso. Hango ito sa makapangyarihang talata mula sa Hebreo 3:13:  

Magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang ‘ngayon,’ upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.”

Ang mensaheng ito ang puso ng pelikula, na naglalaman ng aral tungkol sa kahalagahan ng paggawa ng kabutihan at pagkilos sa kasalukuyan.  

Ang pelikula ay nakatalagang kunan sa La Vista Pansol Resort sa loob lamang ng tatlong araw.

Para kay Jiro, ang Eroplanong Papel ay hindi lamang isang pelikula kundi isang simbolo ng pagbabago at bagong simula. Ito ay patunay na sa kabila ng anumang hirap at pagkakamali, laging may pagkakataon para bumangon at magsimula muli. 

Sa likod ng tagumpay ng pelikula ay ang pamumuno ni Direk Ryan Manuel Favis, co-manager ng Star Cinema at Net25 Starkada, na nagsilbing executive producer. Kasama niya ang mga co-producer na sina Marvin Favis, na kilala bilang “Crypto King” ng YouTubeMilo Rivera, ina ni Onemig Bondoc, at Kpan Talent Management na pinamumunuan ni Pete Nogaliza

Para sa kanila, hindi kailanman naging hadlang ang nakaraan ni Jiro para bigyan iyon ng panibagong pagkakataon. Naniniwala sila na si Jiro ay isang simbolo ng muling pag-asa at tagumpay na nararapat ipakita sa mundo.  

Bukod kay Jiro, tampok din sa pelikula ang mga baguhang artista tulad nina Princess Johns, Rayesha Peiris, Bianca Donor, at Daniel Briones, na lahat ay dumaan sa masusing pagsasanay sa pag-arte. 

Kasama rin sa cast ang mga kilalang personalidad tulad nina Zach Francisco ng Net25 Starkada, Rhy TV ng YouTube, Razzid Eusebio, Lyra Zafra ng Inding Indie, at Ballpointman, na suportado ng mga overseas Filipino workers (OFWs). 

Malaki naman ang basbas na ibinigay ni Mars Galang na kasalukuyang sikat na graphic and costume designer. Aniya, masaya ito sa suportang ibinigay ni direk Ryan Manuel Favis.

Ipalalabas ang Eroplanong Papel sa Film Development Council of the Philippines sa  Abril 7, 2025. 

Huwag palampasin ang pagkakataong masaksihan ang makabagbag-damdaming kwento ng pagbabalik at tagumpay ni Jiro. Isang pelikula na magpapaalala sa atin na laging may pag-asa, laging may bagong simula, at laging may dahilan para lumipad muli.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …