Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BB Gandanghari Eva Cariño

BB Gandanghari nalulungkot sa tuwing tatanungin ni Mommy Eva ng ‘Sino Ka?’

MA at PA
ni Rommel Placente

NASA ‘Pinas ngayon si BB Gandanghari

Sa panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niya na  talagang bumalik siya sa bansa  last September mula sa Amerika para sa kanyang ina pati na rin sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Nandito ako last September because noon, si Mama kasi nag-deteriorate. So, hindi na siya masyadong nagsasalita. So, sabi ko, ‘Teka, uuwi ako.’

“Si Robin (Padilla, nakababatang kapatid ni BB) naman sabi niya, ‘Sige, umuwi ka rito, rito ka na lang mag-birthday,” sabi ni BB.

Hindi agad sumagot si BB kay Robin dahil nag-aaral na nga siya sa isang film school sa Los Angeles at sobrang hectic ng kanyang schedule. 

Pero talagang pinakiusapan siya ni Binoe na umuwi muna sa Pilipinas.

Sinorpresa ko siya (Eva Cariño). Kaya talagang hindi rin niya alam. Tapos sabi ko pa sa mga caregiver niya, ‘Mayroon akong darating na package ha, abangan ninyo.’ Hindi nila alam ako ‘yung darating.’ Kaya sinasabi nila kay Mommy, ‘Mayroon daw darating na package from BB,’” aniya pa.

Inalala naman ni Kuya Boy ang kuwento na isang araw bago umuwi si BB sa bansa, ay nakatingin lamang si Mommy Eva sa bintana na parang may hinihintay.

It wasn’t even a surprise to me anymore. Kasi every time I would talk to her on the phone, she would ask ‘yung caregivers niya ‘Sino siya?’

“And it would break my heart. I would tell my friends sa Amerika na, I think it’s the most painful na ‘yung kapag sinabi ng mama mo na, ‘Sino ka?’” nalulungkot na pahayag pa ni BB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …