Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid

Ruru tiwalang matatalo katapat na show, hari na ang pakiramdam

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHIT sino naman ay magiging proud lalo’t inihihilera ka na sa mga gaya nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo bilang most reliable “kings at top leading men” ng GMA 7.

Ganyan nga ang pakiramdam ngayon ni Ruru Madrid na matagal na din namang may napatunayan bilang top leading man ng Kapuso shows. Pero nitong matapos lang daw manalong Best Supporting Actor sa MMFF totoong na-feel na “certified GMA king” na rin siya.

Sa January 20 ay muling huhusgahan si Ruru sa season 2 ng Lolong, Bayani ng Bayan action-series na minsan ng nagpatumba sa katapat nitong show sa katapat na network.

“May pressure, pero unlike before na medyo mabigat, this time iba eh. Mas may confidence at mas buo,” sey ni Ruru na super acknowledged din ang halos nasa 50 stars na kasama niya sa series.

Sa awra ngayon ni Ruru na mas naging matured, may laman ang katawan, mas gwapo at very grateful, naabot na nga ng aktor ang status na isa na rin siyang “hari” sa TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …