Thursday , January 16 2025

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

011625 Hataw Frontpage

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na naglalayong magpatupad ng pagbabago sa Philippine natural gas industry.

Sa pagtutulungan ng mga mambabatas maipatutupad na ang komprehensibong exploration, development, at paggamit ng natural gas resources sa ating bansa.

Ang naturang bagong batas ay nilagdaan ng Pangulo noong nakaraang Miyerkoles, 8 Enero 2025, ngunit nailathala sa Official Gazette kamakalawa, 14 Enero 2025 na nagnanais palawakin ang ating energy security, manghikayat ng mga mamumuhunan, at tiyakin ang environmental sustainability sa papamagitan ng streamlining regulatory processes, at pagbibigay ng incentives para sa mga stakeholders sa ilalim ng natural gas sector.

Kaugnay nito, ikinatuwa ni Senadora Pia Cayetano ang hakbangin ng Pangulo. Ang batas na ito, na isinulong ni Cayetano bilang Chairperson ng Senate Energy Committee, ay naglalayong palakasin ang seguridad sa enerhiya para sa mga susunod na henerasyon, sa pamamagitan ng paghikayat ng mga investor na tuklasin ang indigenous natural gas resources sa bansa.

Habang itinuturing ang natural gas bilang transition fuel patungo sa renewable energy, tinutugunan nito ang matagal nang isyu ng kakulangan sa enerhiya ng bansa.

May mga probisyon din ang batas para sa transparency at patas na presyo para sa mga konsumer, upang magkaroon ng balanse sa pagitan ng energy security at consumer welfare.

Ayon kay Cayetano, mas matatag at mas mura ang presyo ng lokal na natural gas kompara sa mga imported na sources, isang patunay ng kahalagahan ng pagkakaroon ng maaasahang lokal na suplay.

Aniya, hindi na gaanong maaapektohan ang bansa sa mga pandaigdigang krisis at mas matutugunan ang pangangailangan sa enerhiya sa hinaharap.

“With more than half of our energy requirements being imported, we are clearly vulnerable to geopolitical conflicts,” ayon sa Senadora.

Binigyang-diin niya ang pabago-bagong pagtaas ng presyo ng imported natural gas sa nakalipas na 14 taon, lalo noong sumiklab ang digmaan sa Ukraine.

“Also based on the Energy Department’s 2022 Primary Energy Mix, 63.2 percent of our energy comes from oil and coal. As the country moves towards renewable energy sources, we need to find additional   baseload resources, aside from oil and coal, which are less harmful to the environment,” ani Cayetano.

“That is the question we all must face right now: how important is energy security to us,” dagdag niya, habang binabanggit ang pagbaba ng mga natural gas explorations sa bansa — mula 150 noong 1970s hanggang sa simula ng 2019.

Samantala, ang mga karatig-bansa tulad ng Indonesia ay patuloy na nakatutuklas ng sarili nilang natural gas. “Malampaya was supposed to be the first of many producing gas fields in the Philippines, but it turned out to be the only one. The country needs more Malampayas: we barely have one left,” diin ng Senadora.

Bilang dating Chairperson ng Senate Committee on Sustainable Development Goals (SDGs), Innovation, and Futures Thinking, binigyang-diin ni Cayetano ang papel ng bagong batas upang maabot ang mga layunin natin sa ilalim ng SDGs, tulad ng malinis na enerhiya, mabuting kalusugan, dekalidad na edukasyon, pagkakapantay-pantay, at mga sustainable na komunidad.

Nagpasalamat din si Cayetano sa Pangulo sa pagpirma ng batas: “This is a significant step toward energy security. By enacting the Natural Gas Industry Development Act, we move closer to our vision of a more energy-secure Philippines that harnesses its own natural resources for the benefit of the Filipino people.”

“With this law, we empower families, we empower the Filipino people,” pagtatapos ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Lumagui, pinuri ang BIR staff sa pagkamit sa kanilang 2024 collection target

Lumagui, pinuri ang BIR staff sa pagkamit sa kanilang 2024 collection target

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakamit ang isang makasaysayang tagumpay sa pamamagitan ng …

Palawan Gold

Mamuhunan ngayong 2025 sa Palawan Gold

PARA masiguro ang financial freedom at maaliwalas na kinabukasan, isang malaking desisyon ang mamuhunan sa …

gun checkpoint

2 OEC violators sa Bulacan timbog

INARESTO ng pulisya ang dalawang indibiduwal na lumabag sa Omnibus Election Code (OEC) sa isinagawang …

Mula sa bagong hepe ng PRO3 Election security pinalakas, sabay-sabay na checkpoints inilunsad sa Central Luzon

Mula sa bagong hepe ng PRO3
Election security pinalakas, sabay-sabay na checkpoints inilunsad sa Central Luzon

UPANG matiyak ang mas mataas na seguridad sa pagsisimula ng panahon ng halalan para sa …

PRO 4A PANGAKO SA 2025 MNLE MULING BINIGYANG-DIIN

Sa PRO 4A
PANGAKO SA 2025 MNLE MULING BINIGYANG-DIIN

SINIMULAN ng PRO4-A (CALABARZON) ang linggo sa pamamagitan ng Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni …