Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Sager Jillian Ward

Jillian at Michael malakas ang chemistry

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA totoo lang, maganda ang chemistry nina Michael Sager at Jillian Ward.

Marami ang kinikilig sa kanila at mukha namang may good friendship na napanood namin nang mag-sing and dance sa All Out Sunday.

Nakakakanta pala si Michael at bongga ang mala-baritone nitong boses at bagay sa tamis at ganda ng boses ni Jillian. May moves ding matatawag ang kanyang pagsasayaw kaya’t hindi nakapagtatakang i-build up talaga siya bilang leading man.

Sila ang magka-tandem sa My Ilongga Girl na nasa primetime ng GMA 7. Ito rin ang kauna-unahang rom-com project ni Jillian na certified hit maker ng Kapuso Network.

Huwag lang daw talagang haluan ng mga gimik na may love angle in real life dahil alam ng marami na si Cassy Legaspi ang nililiyag ni Michael, at boto nga rito si Carmina Villaroel.

Besides, hirit pa ng kausap namin na malapit na malapit din si Jillian kay Carmina, na nanay ni Cassy dahil naging nanay-nanayan niya ito ng matagal sa series dati. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …