Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose Rayver Cruz

JulieVer ile-level up ang relasyon

MA at PA
ni Rommel Placente

SIGURADO na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na ang isa’t isa na ang gusto nilang makatuluyan at makasama sa iisang bubong.

Sa kanilang show na All Out Sundays noong Sunday, sa harap ng kanilang televiewers  at live audience, nagbitaw ng pangako sa isa’t isa ang JulieVer, na any moment ay magle-level up na rin ang kanilang pagmamahalan, at umaasang sa kasalan na talaga mauuwi ang relasyon.

Tinanong ni Boy Abunda ang dalawa nang mag-guest ito sa AOS noong nakaraang Linggo ng, ‘kung malapit na ba silang ikasal?’

Sagot ni Rayver, “Tito Boy, ito na seryoso, ang plano ko po talaga ngayong 2025 ay mas maipakita ko pa kay Julie at sa parents niya na ako na talaga ang karapat-dapat niyang mapangasawa sa future.”

Tilian at palakpakan ang mga kasamahan nina Rayver at Julie sa Sunday musical-variety show ng GMA na talagang ikinakilig din ng audience.

Sabi  naman ni Julie, “Mahal ko talaga si Ray. Wala naman na akong hinahanap na iba eh, so papunta na tayo roon.”

O ‘di ba, sana nga ay sina Rayver at Julie na ang magkatuluyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …