Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gina Alajar Mon Confiado Shamaine Buencamino

Mga artistang bida sa Pepsi Paloma tahimik 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI rin mahagilap para makuhanan ng pahayag ang mga artistang sinasabing kasama sa movie ni direk Darryl Yap.

Nauna na riyan ang batikang aktres-direktor na si Gina Alajar na sa naturang teaser ay siyang nagbanggit ng name ni Vic Sotto, bilang gumaganap siyang si Charito Solis na noo’y sinasabing naging malapit kay Pepsi.

No comment na muna raw ang ipinarating na reaksiyon ni Mon Confiado na gumaganap naman bilang si Rey de la Cruz, ang namayapa na ring manager-discoverer ni Pepsi at umano’y  orchestrator o kapitan ng usaping “rape” noong mga panahon na ‘yun.

Nandiyan din si Rosanna Roces, na gumaganap daw bilang si Divina Valencia, ang dating sexy actress noong late 60’s and early 70’s na pumukpok ng mikropono kay Rey on national TV. Nagkabangayan sila noon dahil sa isyung “bomba star at porno star.”

Mukhang si Shamaine Buencamino naman ang gumaganap bilang nanay ni Pepsi. Lahat sila ay ‘deadma o wala pang ipinahahayag’ na saloobin hinggil sa ngayo’y legal na laban ng kanilang direktor sa movie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …