Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

010925 Hataw Frontpage

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago na walisin ang red tape sa ahensiya, inaresto ng pinagsamang operatiba ng NBI – Cybercrime Division (NBI-CCD) at NBI – Special Task Force (NBI-STF) ang apat na empleyado ng NBI sa ilalim ng Information and Communication Technology Division (NBI-ICTD).  

Ang apat ay sinabing nagsabwatan para labagin ang mga batas kaugnay ng direktang panunuhol sa ilalim ng Artikulo 210 ng Binagong Kodigo Penal (RPC); Seksiyon 3(b) at (e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); Seksiyon 7(d) ng RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees); at Seksiyon 21(c) at (h) ng RA 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) kaugnay sa Seksiyon 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Naaresto rin ng mga pinagsamang operatiba ang pitong ‘fixers’ sa labas ng NBI Clearance Center dahil sa paglabag sa Seksiyon 21(c), (g), at (h) ng RA 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) kaugnay sa RA Blg. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Ayon kay Director Santiago, nagsimula ang operasyon mula sa isang impormasyon, na nagsasabing ang isang empleyado ng NBI ay nakikipagsabwatan sa mga fixer sa paglalabas ng NBI Clearance Certificates.

Ibinunyag na ang nasabing empleyado ng NBI ay nagpapadali sa pagpoproseso ng mga aplikasyon ng NBI clearance kapalit ng bayad mula P800 – P2,000.

Sa pagkilos base sa impormasyon, agad nagsagawa ng mga lihim na pagtatanong at pagpapatunay ang NBI-CCD, sa katotohanan ng impormasyon.

Kaya nitong 6 Enero 2025, nagtungo ang mga nagsanib na operatiba ng NBI-CCD at NBI-STF sa NBI Clearance Center para sa operasyon ng entrapment, na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na empleyado ng NBI sa akto ng paglabag sa mga nabanggit na batas at ang pag-aresto sa pitong fixers sa labas ng NBI Clearance Center.

Nitong Martes, 7 Enero 2025, ipinakita ang mga naarestong suspek para sa mga paglilitis sa inquest proceedings sa harap ng Prosecutor General, sa Department of Justice (DOJ), Padre Faura St., Ermita, Maynila.

Binigyang diin ni Director Santiago na walang lugar ang mga tiwaling gawain sa NBI sa ilalim ng kanyang pamumuno at nagbabala na magiging walang humpay siya sa pag-uusig sa mga indibiduwal na lalabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act Law. (NIÑO ACLAN/EJ DREW) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …