Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Moira dela Torre

Moira lumamlam na ang career, binitiwan na ng Cornerstone

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAGTATAKA ng mga netizen ang tila paglamlam ng career ni Moira dela Torre. Kompara kasi dati, wala ng major concerts at sunod-sunod na hit songs. 

Hanggang recently ay may tsikang nagkakaroon daw ng problema ang hugot queen sa kanyang management. True enough, dahil nakarating din sa sikat  na showbiz vlogger/host na si Ogie Diaz ang isyu at ayon sa kanyang source ay binitawan na nga raw ng Cornertstone, ang management ni Moira, ang singer, dahil umano sa attitude at sa pagiging diva nito. 

Nagde-demand na raw ito ng kung ano na ang plano sa kanya ng management. 

Ang ikinaloka pa raw ng Cornerstone ay nakiusap pa raw ang singer kung pwede sana ay mag-co-manage na lamang ang sarili niyang team sa kanyang management, ngunit hindi raw pumayag ang Cornerstone. 

How true rin daw na may kinalaman ang non-showbiz boyfriend ni Moira sa kanyang mga desisyon?

Nakarating din sa Cornerstone na sinasabihan umano ng singer ang kanyang road manager na sa kanya na sumama at mag-resign na sa talent agency. Narinig pa nga raw ng Cornerstone ang pag-udyok ni Moira sa kanyang RM dahil naka-loud speaker phone raw ito habang kausap siya.

Hindi naman daw sumama kay Moira ang kanyang RM at nanatili ito sa Cornerstone, na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Bukas ang pahina ng aming kolum sa ibibigay na paliwanag ni Moira para sa ikalilinaw ng isyu sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …