PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA kakaibang sigla na ipinakita ng mga artistang may lahok sa 50th MMFF, talaga namang walang dudang magiging matagumpay ang festival.
Kaya naman winner na winner ang sambayanan sa pagbibigay ng suporta na nakita nga ng marami sa parada ng mga float noong Sabado.
“If that is an indicator of our success, then be it. Let’s claim it,” sey ni MMDDA Chair Dan Artes na masayang-masaya sa naging outcome ng parada ng mga bituin.
Bisperas na bukas at napakaraming excited na mga film goer na pipila sa mga sinehan kahit pa nga hindi naging balanse ang pag-distribute ng mga sinehan sa sampung official entries.
Need na talagang subaybayan ng mga manonood ang mga update sa socmed para sa mga iskedyul na ibinibigay ng mga sinehan sa mga gusto nilang mapanood na entry.
Basta kami naka-line up na sa first three days starting Christmas namin ang mga sumusunod na talagang may budget kami: Uninvited, Green Bones, Espantaho, Strange Frequencies, My Future You, The Kingdom, Hold Me Close, at Himala Isang Musikal.
See you at the movies folks!