Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual. Handog ito ng M-Zet, APT Entertainment, at  MQuest  Ventures. Pagbabalik ito ni Bossing sa Metro Manila Film Festival na magdiriwang ng 50 years ngayong Kapaskuhan. 

I’m sure maninibago ang mga manonood sa kakaibang Vic na kanilang mapapanood sa pelikula. Kung dati kasi, napapatawa tayo ni bossing Vic sa kanyang karakter bilang si Enteng Kabisote, sa bago niyang pelikula ay papaiyakin naman niya tayo.

Maninibago ka sa kanyang karakter bilang hari na maraming tatooo sa katawan. 

Hindi kami magkukuwento masyado dahil ayaw naming maging spoiler.

Kahanga-hanga na tila kinarir niya ang pagiging dramatic actor sa pelikula at hindi rin siya nagpatalo sa mabibigat na eksena kasama  ang ibang cast na sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, at Sid Lucero. 

Ang malaking tanong ngayon, ay kung matatanggap ba ng mga faney ang kakaibang Vic na makikita nila?

Inaabangan din kung magna-number one ang kanilang pelikula sa takilya.

Ang The Kingdom ay idinirehe ni Michael Tuviera. Panoorin ninyo siguradong magugustuhan ang pelikulang may aral na mapupulot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …