PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi pa riyan kasali ang mga TF ng mga bidang sina bosing Vic Sotto at Piolo Pascual at iba pang kasama nila.
Opening scene pa lang sa eksena sa karagatan na may bangka at higanteng barko, mapapa-wow! ka na.
Tapos ‘yung kakaibang accent niyong nag-i-interview sa karakter ni bosing Vic, very imported ang awrahan hahaha! The costumes, props, pati mga tattoo sa katawan ng mga bida sinagot ni direk Mike Tuviera
sa naging tanong namin sa eksenang ini-execute ang isang kriminal kasama ang anak nito.
Tanong namin, “direk bakit ang daming bumaril sa firing squad kasama na ang haring si bosing Vic, pero bakit dalawang tama ng bala lang ang na-register sa katawan?”
Sagot ni direk, “ganoon talaga noong araw kapag may firing squad. May mga blank bullet para hindi ma-determine kung aling baril ang nakapatay to sort of lessen the human guilt.”
O ‘di ba, ang daming katulad na very interesting points ang movie at marami ka talagang makukuhang sagot sa, “what ifs” questions if ever nga walang mga dayuhan na sumakop sa bansa natin.
Iyan ang premise ng The Kingdom na nakae-excite aside from those mentioned production, cinematography and locations at pati ang mga kakaibang salita o language/dialect na ginamit sa movie based on historical accounts.