Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth movie mahigpit na lalaban sa Gabi ng Parangal

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PINAG-UUSAPAN ang ganda ng pagkakagawa ng My Future You na entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na bida sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

In fact, tinawag silang ‘The new loveteam to watch and beat’ dahil sa napakaganda nilang team up at very natural flare to dramedy.

Napakahusay ding nai-execute ni direk Crisanto Aquino ang kakaibang tema ng love story ng dalawang teens na nasa magkaibang panahon.

Isa nga ito sa sinasabing magiging mahigpit na lalaban come awards night ng MMFF dahil sa linis, simple, maayos, at nakaaaliw na story telling ng movie.

Hindi nga raw nagkamali ang Regal Entertainment na sugalan ang FranSeth para sa My Future You.

At lalong hindi nagkamali ang yumaong Mother Lily Monteverde sa pagsabi niyang nararapat na mabigyan ng solo project ang dalawang young stars. 

Kasama ng FranSeth sa movie sina Almira Muhlach, Christian Vasquez, Peewee O’Hara, Bodjie Pascua, Mosang and Izzy Canillo.

Kapansin-pansing walang major actor sa movie and yet, pinag-uusapan ang ganda at husay nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …