Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lorna feel na feel pagiging prinsesa 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SPEAKING of Lorna Tolentino, dahil single nga ito sa ngayon, feel na feel niyang magpaka-prinsesa sa set man o off-cam ng mga ginagawa niya.

Kung may PriManda raw sila ni Lito Lapid sa Batang Quiapo, tiyak daw na may ikokonekta ang iba dahil nga available siya.

Pero hindi talaga ako naghahanap. Kung may darating pa uli sa ganitong estado ko, bahala na si Batman. Nakakikilig lang bilang isang babae at sa edad kong ito ay may mga kagayang treatment pa akong nararanasan. Ang lakas maka-prinsesa,” pahayag ng award-winning actress na isa sa bida sa Espantaho.

Kung last year ay naging jury member si LT sa Metro Manila Film Festival (MMFF), this time ay mukhang mapapalaban siya sa acting category dahil sa role niya bilang nanay ni Judy Ann Santos.

Espesyal ito sa akin in so many ways. Reunion movie namin ito ni direk Chito Rono na nagpakilala rin sa akin sa horror genre dahil sa ‘Patayin sa Sindak si Barbara.’ Tapos may Judy Ann pa, may Chanda Romero na noong 70’s-80’s pa ay kapwa ko na Jess Ejercito angel. May Uge (Eugene Domingo) at marami pang iba. Kaya nga very thankful ako kay Ate Vi (Vilma Santos) na nag-beg off sa role at sa akin napunta,” hirit pa ni LT.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …