Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Nadine Lustre Uninvited

Aga makabuluhan, malaman role sa Uninvited

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BALITANG malamang na ma-shelve na nang tuluyan ang supposedly Aga Muhlach starrer na karugtong ng “Malacañang movie series” na co-produce ni Imee Marcos.

Bigla ring nawala sa sirkulasyon ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap na tila naging co-terminus ang directorial career sa lagay ng mga Marcos, lalo na ni Imee.

At sa tila lumalalang sitwasyon ngayon sa dalawang pinaka-mataas na lider ng bansa, dapat nga sigurong mag-lay low o dumistansya si Aga kahit sabihin pang ‘artista’ siya na magtatrabaho lang.

Actually na-excite kami noong unang ipakita sa teaser na siya ang gaganap na Bongbong Marcos lalo’t napakabango pa noon ni PBBM.

At dahil mukhang hindi hamak na mas makabuluhan at malaman ang role niya sa Uninvited movie kasama sina Vilma SantosNadine Lustre at iba pang award-winning actors, perfect timing kumbaga na muling ma-associate si Aga sa mga premyadong proyekto.

Inaasahan nga nating makita ang muling pagiging active ni Aga sa mga promo ng MMFF entry nila na hinuhulaang magtatala ng bonggang record sa box-office come Dec. 25 showing at sa kokopo ng awards come the awards night of the festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …